Inalmahan at ikinabahala ng ilang senador ang pagpatay sa 14 anyos na si Reynaldo De Guzman.
Sa isang statement, sinabi ni Liberal Party Pres. Sen. Kiko Pangilinan na dapat nang itigil ang mapang-abusong “Oplan Double Barrel.”
Naniniwala si Pangilinan na tanging ang pag-anunsyo ni Pres. Rodrigo Duterte na itigil ang “war on drugs” ang siyang makakatigil sa patayan ng mga inosente at sa pang-aabuso ng mga tiwaling miyembro ng Philippine National Police (PNP).

“Kinokondena natin ang karumal-dumal na krimen ng pagpatay na dulot nitong baluktot at salot na war on drugs. Lumilitaw na ang tunay na anyo ng giyerang ito,” ani Pangilinan.
Nanawagan din siya kay PNP Chief Ronald Dela Rosa na hanapin at panagutin ang mga suspek sa pagpatay sa binatilyo.
Inutusan na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang kaso ni De Guzman.
Si De Guzman ang sinasabing huling nakasama ni Carl Angelo Arnaiz na pinatay ng mga pulis matapos umanong mangholdap ng taxi.
0 Mga Komento