P1-k budget sa CHR isang malaking kalokohan – Gascon

Tinawag na isang malaking kalokohan ni Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon ang desisyon ng House of Representatives na aprubahan lamang ang P1,000 na budget para sa 2018.

Ayon kay Gascon, “arbitrary, whimsical and capricious” ang ginawa ng Kamara de Representantes, at hindi nila aniya mawari kung bakit determinado si House Speaker Pantaleon Alvarez at ang maraming mambabatas na isulong ito.

Sinabi pa nito na dapat matauhan ang mga kongresista sa pangunguna ni Speaker of the House Pantaleon Alvarez.

Dagdag pa nito na kaniyang aalamin ang naging pinakarason kung bakit naaprubahan ang ganoong laki ng budget.


Tiniyak naman ni Gascon na hindi maapektuhan ang kanilang trabaho kahit na nakakuha ng P1,000 na budget.

Magugunitang mayroong 119 na mga kongresista ang pumabor sa motion ni 1-Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta na bigyan ng P1,000 ang CHR habang mayroong 32 naman ang kumontra.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento