‘‘Leftist at Dilawan’ na raliyista: ‘Wag manggugulo kundi gagamit ako ng pwersa’ -Duterte

Tahasang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga raliyistang nagbabalak magsagawa ng kilos-protesta sa Setyembre 21 na huwag lalabag sa batas kundi mapilitan siyang gamitan sila ng pwersa.

Sinabi ni Pangulong Duterte, malaya ang mga raliyista na okupahan ang mga pampublikong lugar at idedeploy lamang ang mga pulis para pangasiwaan ang daloy ng trapiko basta hindi sila manggugulo.  
Ayon kay Pangulong Duterte, wala ding problema sa kanya ang pagsusunog ng mga makakaliwa ng kanyang “effigy” basta huwag lamang idamay sunugin at sirain ang mga public properties.

Inihayag ni Pangulong Duterte na inaasahan nitong magsama-sama ang mga makakaliwang grupo at mga aniya’y “dilawan” o mga personalidad mula sa Liberal Party (LP). 

Pero mariing babala ng pangulo na huwag susubukang ng mga makakaliwang magdala o magsama ng mga armadong NPA sa kanilang rally kundi makakaharap nila ang pwersa ng militar at pulis. 


“Pero magsama-sama na kayo. Wala akong — ang gusto ko magsama kayo lahat na may hinanakit sa akin. Lahat ng namatay sa extrajudicial killing, ‘yung pamilya ninyo. Huwag lang kayong gumawa ng mga bagay-bagay na hindi sang-ayon sa batas,” ani Pangulong Dutete.

“Huwag kayong magpapasok ng sabihin niyo red army ninyo na may armas. Huwag kayong magkamali na magsira diyan, sira dito because if you do it, the next thing, ang kaharap ninyo would be the military and the police.” dagdag pa ng Pangulo.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento