Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ukol sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF).
Kasama rin sa mga kinasuhan sina dating PNP chief Alan Purisima at dating PNP-SAF commander Getulio Napeñas.
Una rito, naghain ng mosyon si Aquino nitong Hulyo kung saan tinututulan ang mga kasong usurpation of authority sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na isinampa laban sa kaniya.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, ang mali raw ni Aquino ay ang pagpayag nito na makialam si dating PNP Chief Purisima sa operasyon sa Mamasapano kahit na nasa ilalim ito ng preventive suspension.

Pahayag pa ni Morales sa 26-pahinang resolusyong inaprubahan nito noong September 11, kahit na raw may discretionary powers ang Presidente, hindi raw dapat ito gamitin para lumabag sa batas.
Magugunitang sinuspinde ng Ombudsman si Purisima dahil sa isa umanong maanomalyang courier service contract na pinasok nito noong 2011.
Sakaling mapatunayang nagkasala, maaaring makulong ng hanggang 10 taon si Aquino. Matatandaang 44 miyembro ng SAF ang nasawi sa isang madugong engkwentro sa mga rebeldeng Moro sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao noong January 2015.
source
0 Mga Komento