Yaman ng 4 na SSS Officials na sangkot sa Profiteering,Ipinakukumpiska!

Nais ipakumpiska ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarate ang mga ari-arian ng apat na matataas na opisyal ng Social Security System o SSS kasunod ng iskandalong sumabog sa state-run pension fund. 

Ang mga nabanggit na opisyal ay sinampa­han ng kasong administratibo ni SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña, dating social media director ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 election at tumatayong chairman ng Audit Committee at miyembro ng Investment Oversight and Risk Management Committee ng SSS. 

Ayon kay La Viña ginamit ng apat ang kanilang impluwensya upang makakuha ng impormasyon sa posibleng kumitang stock investment at kanila itong binibili sa halip na i-endorso sa SSS. 


Sa reklamo ni La Viña, agad na kumita umano si Candelaria ng P144,844 investment return na 4{36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} hanggang 11 {36ff76c7c78af6a10dd373152a25208ee3a6f1c649053f3d03feae7eadca3240} sa loob lamang ng pito hanggang 15 araw habang si Francisco ay kumita ng P413,000 sa maiksing panahon lamang. 

Giit naman ni Zarate hindi sapat na kasuhan lamang ang apat na opisyal na kahiya-hiya ang ginawa na silang nagtutulak pa na itaas ang sinisingil na kontribusyon sa mga miyembro. 

“Do not just file charges and prosecute these people, SSS must move to immediately freeze all banks/financial accounts and sequester stocks and assets and its proceeds in favor of the SSS fund,” reaksiyon naman ni Cong­ressman Zarate. 

Nakakagalit aniya na ang mga naturang opisyal na naatasang magpalago sa pondo ng mga miyembro ng SSS ang pasimuno para masabotahe ito. 

“Now that these execs are caught with their greedy hands in the cookie jar, imposing and puni­shing the members with additional contributions supposedly to improve SSS fund life is not only baseless but outright unjust and immoral,” giit ni Zarate.

Ayon pa sa kongresista dapat na maimbestigahan sa pagbubukas ng sesyon sa Kamara ang diumanoy maanomalyang gawain ng mga nabanggit na opisyal ng SSS.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento