Napeñas binalikan at binanatan si Aquino: “Ako ang ginawang sacrificial lamb dito, Sinira niya ang buhay ko!

Sinabi ni dating PNP Special Action Force (SAF) Getulio Napeñas, na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya ni dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino na siya ang responsible sa palpak na operation sa Mamasapano noong 2015.

Sa isang eklusibong interview ng News 5 nilinaw ni Napeñas na walang binago sa iprinisinta nilang plano sa dating pangulo.

“Wala kaming binago. Iyan ngayon lang lumalabas iyang binago na plan,” ani Napeñas.
Sa katunayan, binilinan pa ni Napañas sina Gen. Alan Purisima at Aquino na oras na makatunog ang mga kalaban, malalaman ito ng buong barangay.
“Dito namin kailangan iyong suporta ng 6th Infantry Division or iyong military, tulungan kami sa paglabas at iyan ang alam na alam din ni General Purisima kaya ang sagot niya sa akin noon, ako na ang bahala kay [AFP Chief General Gregorio] Catapang. Binigyan niya ako ng assurance, naniwala ako sa sinabi ni General Purisima,” dagdag pa ni Napeñas.


Ngunit sadya raw isinikreto ang operasyon.  “Itinago nila itong operasyon na ito. Silang tatlo, si PNoy, si Gen. Mendez at saka si Gen. Purisima. Hindi nila ipinaalam kay Gen. Espina. Hindi nila ipinaalam kay Secretary Roxas. Hindi nila ipinaalam kay Gen. Catapang,” sabi ni Napeñas.

Hindi rin daw totoo na kinuhang consultant lang si Gen. Purisima dahil present daw siya simula pa sa umpisa ng plano.

“Sinabihan ako ni Gen. Purisima, ‘Oh, pumunta tayo sa Malacañang, mag-present tayo ng oplan.’ Consultant ba iyon? Eh siya nag-aarrange eh. Nakita mo na? Sino nagsasabi ng totoo? Ako o si PNoy?” ani Napeñas.

“Ako ang ginawang sacrificial lamb dito. Ako ang nilagay nila sa alanganin. Sinira niya ang buhay ko! Iyan ang katotohanan dyan. Kung masama ang loob niya samin mas masama at mas masahol ang sama ng loob ng buong SAF sa kanya!” sabi ni Napeñas.

“Maalala mo nung pumunta siya sa SAF, hindi siya inimik ‘di ba? Even Sec. Roxas, walang umimik? Kita mo. Kung may namatay sa sama ng loob at saka mura, patay na siya saken,” aniya

Dahil dito ikinokumpara ni Napeñas si Aquino kay Pangulong Duterte.
Kung nangyari lang ito nung panahon ni Pres Duterte, tapos na ‘yan. Nagkataon na iyong presidente noon na si PNoy eh walang b*y*g na harapin ang kanyang responsibilidad. Ipinag-utos, ipapasa niya sa iba ang responsibilidad at sisi,” dagdag ni Napeñas.

Samantala nauna ng sinabi ni Aquino sa kanyang presscon na masama daw ang loob niya dahil nasisisi siya sa pagkamatay ng SAF 44 sa enkwentro sa Mamasapano. 

Dagdag pa ni Aquino, nabiktima lang siya ng pambobola ni Napeñas matapos niya itong pagkatiwalaan. Hindi naman daw siya nagkulang sa utos kay Napeñas na huwag ituloy ang operasyon kung mauuwi lang sa pintakasi o ang pagtulungan silang mapatay ng kalaban.

“’Yung sama ng loob… Ano ba masama sa utos ko sa’yo na kakaunti kayo, delikado mapintakasi. Manigurado ka, use sufficient force para sindakin ang iba. Anong mali doon na ipreserve lahat ng buhay nila at pati na rin ng kalaban,” ani Aquino

“Inaalis ko ba sa akin ang sisi? Hindi, naloko ako eh. Hindi namin natunugan na susuway dun sa usapan at sa utos. Wala akong atraso sa kanila, kung may utang sila sa akin, tanungin natin sila… Napeñas in particular,” dagdag pa ni Aquino.

source:news.tv5


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento