Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lang ang naging pahayag ni Santiago hinggil sa mega rehab center ng pamahalaan ang dahilan kaya siya naalis sa pwesto.
Ang pagbiyahe sa ibang bansa gamit ang pera ng gobyerno at pagtanggap ng pabor mula sa mga drug player ang dahilan ng pagsibak sa pwesto nito.
May mga reklamo aniyang nakarating sa Malakanyang hinggil sa ‘junkets’ o ‘pleasure trips’ ni Santiago kasama ang umano ay ‘babae’ nito, mga kaibigan at ilang paborito niyang tauhan sa DDB.
“He was also let go because of complaints that Gen. Santiago was using taxpayers’ money for junkets abroad,” ayon kay Roque sa kanyang press conference kanina.
“One of the complaints that reached the President was a trip to Austria, wherein addition to bringing family members, Gen. Santiago brought six of his closest personnel, including a girl Friday.”dagdag pa ni Roque
Dagdag pa ni Roque, tumanggap din ng pabor si Santiago mula sa major drug players at isa sa binanggit nito ang bahay na bigay umano ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.
“The complaints specified, although this is only from a complaint, that Gen. Santiago may have benefited from a house which may have been given to him by the late [Ozamiz mayor] Parojinog,” dagdag pa ni Roque.
Una nang sinabi ni Santiago na ikinabigla niya ang pagkakasibak sa kaniya sa DDB.
Tinukoy niya pa na may mga malapit umano kay Pangulong Duterte na hindi siya gusto at hindi gusto ang kaniyang pagsasalita.
0 Mga Komento