LOOK! Miss Universe beauties in Bohol beach

Pinasalamatan ni Bohol Gov. Edgar Chato ang Department of Tourism sa pagpili sa probinsya ng Bohol bilang isa sa mga lugar na mabisita ng ilan sa mga Miss Universe 2017 contestants.

Ayon kay Governor Chatto malaking tulong sa pagpromote ng kanilang turismo ang pagbisita ng mga kandidata.

Sinabi pa ng Gobernador, sobrang naaliw umano ang mga kandidata sa kanilang paglilibot sa probinsya kung saan kabilang sa kanilang tinungo ay tarsier sanctuary.


Game rin umano sa kainan ang mga kandidata kung saan kabilang sa kanilang pinagsaluhan sa kanilang pananghali-an ay ang mga sea foods at iba pang delicacy ng Bohol tulad ng kalamay.


Dahil limitado lamang ang kanilang oras ay nagkasya na lamang ang mga bisita sa panunuod ng ibat ibang tourism videos tungkol sa mga magaganda pang lugar na pwede nilang balikan sa probinsya ng Bohol.


Hindi rin pinalampas ng mga kandidata ang mag-enjoy sa white sand beach resort sa isla ng Panglao.


Gusto pa sana umanong mag-overnight ng mga kandidata sa Bohol upang ma-enjoy pa ang kanilang pagbisita ngunit dahil sa higpit ng kanilang schedule ay kailangan na nilang bumalik sa Metro Manila.


Napag-alaman na tatlo sa mga dating Miss Universe 2017 contestants na kinabibilangan nina Miss Universe Philippines Rachel Peters, Miss Universe Malaysia Samantha James at Miss Universe Russia Kseniya Alexandrova ang bumisita sa Bohol kahapon kasama ang ilang opisyal mula sa Department of Tourism.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento