Kinansela na ng Land Transportation Office (LTP) ang driver’s license ng dating beauty queen na si Maria Isabel Lopez ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Bunsod ito ng paggamit ni Lopez ng traffic lane sa EDSA na nakalaan para lamang sa mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon sa GMA Super Radyo dzBB, inalis ng LTO ang lisensya ng kanyang driver at ipinagbabawal si Lopez na muling kumuha ng bago sa loob ng dalawang taon.

Aktres na si Maria Isabel Lopez, binawian na ng lisensiya ng LTO. Hindi na papayagan makakuha ng bagong lisensiya sa loob ng 2 taon. Binawian siya ng lisensiya para sa disregarding traffic signs, reckless driving at paglabag sa anti distracted driving Act. lvia @VargasMannysen— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 27, 2017
Kailangan din aniyang magbayad ni Lopez ng P8,000 para sa reckless driving, disregarding traffic signs at paglabag sa Anti-Distracted Driving Act.
Matatandaang binatikos si Lopez matapos ipagyabang sa kanyang Facebook account na nakadaan siya sa ASEAN lane, na isinara sa mga motorista.
Sinabi ni Lopez na tinanggal pa niya ang traffic cone para makadaan siya, at sinundan pa siya ng ilan pang sasakyan.
source:GMA
0 Mga Komento