2 ex-DOH boss, Nagturuan sa palpak na anti-­dengue vaccine Dengvaxia.

Nagturuan ang dalawang dating kalihim ng Department of Health (DOH) sa responsibi­lidad sa pagbili ng P3.5 bil­yong halaga ng anti-­dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay dating Sec. Janette Garin, na hindi­ siya kundi ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa ilalim ng termino ni dating Sec. Enrique Ona, ang res­ponsable sa pagbili ng nasabing anti-dengue vaccine.

Paliwanag ng dating kalihim, wala rin siyang partisipasyon sa bidding process para sa anti-dengue vaccine dahil nagsimula ang pag-uusap sa posibleng pagbili ng Dengvaxia mula sa Sanofi Pasteur sa termino ni Ona.


Sinisi rin ni Garin ang nasabing French company­ dahil hindi­ nito naipaliwanag nang mabuti ang peligrong­ maaaring idulot ng kanilang bakuna sa mga batang hindi pa nagka-dengue.

Nasalo niya umano ang lahat ng sising dala ng kontrobersiyal na bakuna dahil ipinatupad ang immunization program sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) area sa ilalim na ng kaniyang termino.


Agad namang umalma si Ona at sinabing ang sumunod na kalihim ang siyang dapat sisihin dito.

“In the light of the Sanofi Pasteur advisory on the use of the anti-dengue vaccine Dengvaxia, the leadership that took over the DOH after I left in December 20, 2014 is solely responsible for all the decisions that has resulted in what is beco­ming to be a major health nightmare in the country today,” ayon sa statement ni Ona kahapon.

Si Ona ay naging kalihim ng DOH mula Hunyo 2010 hanggang Disyembre 2014 habang si Garin ay nagsilbi naman mula Pebrero 2015 hanggang Hunyo 30, 2016.

Naniniwala naman si Senador Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, na sabit din sa kontrobersya si da­ting Secretary Paulyn Jean Ubial dahil kahit noong Hulyo 2016 lang ito nagsimula sa DOH ay ipinagpatuloy pa rin nito ang paggamit ng Dengvaxia sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

“Kung merong magte-testigo dapat si Sec. Ubial. Kasi puwede syang­ kasuhan rin eh, ipi­nagpatuloy nya pa eh,” sabi ni Gordon sa isang panayam sa DZBB kahapon.

May nakikita ring sabwatan si Gordon sa pagbili ng DOH ng Dengvaxia sa Sanofi Pasteur.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento