WATCH! 4 na impormants ng PDEA, Nakatanggap ng P4.8 milyong pabuya!

Aabot sa mahigit P4.8 milyon ang halaga ng cash reward na ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa apat na informants na nakatulong sa kanila sa pagsupil sa mga aktibidad na may kinalaman sa iligal na droga.

Tinukoy lamang ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang mga informants sa mga alyas na “Toffee,” “James,” “Cold Ice,” at “Basti” upang protektahan ang kanilang kaligtasan.


Si Toffee ay nakatanggap ng P1.8 milyon dahil sa pagbibigay niya ng impormasyon sa PDEA na nauwi sa pagkakabuwag ng isang clandestine shabu laboratory sa Angeles City, Pampanga kung saan nasabat ang 248,413 na litro ng liquid shabu, 21 litro ng hydrochloric acid at 3.79 litro ng acetone noong May 2016


Si James naman ay nakatanggp ng P1.5 milyon matapos niyang i-timbre ang operasyon ng iligal na droga sa Sta. Cruz, Maynila na nauwi sa buy-bust operation kung saan arestado ang dalawang drug suspects at nasabat ang mahigit 20 kilo ng shabu noong November 2016.


Pinarangalan naman ng nasa P1 milyon si Cold Ice dahil sa impormasyon niyang nagamit sa entrapment operation sa Barangay Ugong Norte sa Quezon City noong March 2016 kung saan dalawa ang arestado at halos 20 kilo ang nasabat ng otoridad.


Nakatanggap naman ng P491,155 si Basti dahil sa pagbibigay ng intelligence information na nauwi sa pagkakasabat ng mahigit limang kilong shabu at ikinaaresto ng isang suspek sa buy-bust operation sa Aurora Boulevard kanto ng Romulo Avenue sa Quezon City, Nobyembre ng nakaraang toan.


Ayon kay Aquino, enlisted ang mga informants sa kanilang Operation: Private Eye (OPE) na naglalayong hikayatin ang mga sibilyan na isumbong ang anumang kalakalan ng iligal na droga sa kanilang komunidad na susuklian naman nila ng reward o incentive.


           
source:Abs-Cbn


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento