Isang araw matapos ilibing ang alkalde ng Ozamiz City na si Reynaldo Parojinog Sr at mga kamag-anak na namatay noong Hulyo 30, bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte Ozamis City upang personal na iginawad ang parangal sa mga pulis na namuno sa operasyon.
Ang alkalde, at kanyang asawa at dalawang magkapatid ay kabilang sa 15 katao na napatay ng sabay-sabay sa madugong pre-dawn raid ng pulisya sa kanilang tahanan.
Nag-alok din si Duterte ng P2 milyon sa “bawat ulo” na bounty head “no question asked,” para mga sumusuportang pulis sa mga Parojinog na nakikibahagi sa pagkakasangkot sa pamamalakad sa iligal na droga.
Binanggit din nitong halimbawa ang pamamayagpag at ang naging pagbagsak ng mga Parojinog sa Ozamiz.
“Tingnan mo, narco-politics. Tingnan mo kung anong magawa ng isang pamilya, hinawakan niya ang isang siyudad. Ang mga tao dito, ‘yung nakatikim sa kanyang patronage, pulitika, trabaho, ‘yan, paiyak-iyak kayo. Sumunod kayo at kayong isusunod ko,” salaysay ni Duterte. “…and I will not hesitate… Kung may mamatay? Sorry. Collateral damage ka,”
0 Mga Komento