Mag ina na pinatay sa cavite tukoy na, suspect kalaguyo diumano ng babae ang pumatay.

Tukoy na ng Cavite police ang pagkakakilanlan ng suspek sa likod ng brutal na pagpaslang sa isang mag-ina ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa General Trias, Cavite.

Sa tulong ng mga nakalap na ebidensiya at CCTV footage mula sa subdivision, nakabuo ng teorya ang pulisya hinggil sa motibo ng krimen at suspek, na hindi muna binigyan ng pagkakakilanlan.


Nakuhanan ng CCTV mula sa gate ng subdvision, madaling araw ng Disyembre 8, ang paglabas ng pulang sasakyang huling ginamit ni Ruby Gamos at ng 7-taong gulang na anak.

Ayon sa mga pulis kalaguyo diumano ang suspek ang pumaslang nina Ruby Gamos at ang kanyang 7 taong-gulang na anak na si Shaniah Nicole.

Si Marlon Gamos ang ama ay wala pang ibinigay na statement tungkol dito.

        
Source:Abs-Cbn


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento