”Hindi parte ng grupo si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.! -Alejano

Kinumpirma ni Magdalo party-list Representative Gary Alejano na hindi na parte ng kanilang grupo si Customs Commissioner Nicanor Faeldon. 

Sa isang press conference, sinabi ng kongresista na siya pa mismo ang nag-recruit kay Faeldon. 

Taong 2005, tinanggal si Faeldon sa grupo dahil sa pagtakas niya sa kulungan. Matatandaan na inaresto sina Alejano, Sen. Antonio Trillanes IV at iba pang military officers dahil sa 2003 Oakwood Mutiny. 

Bago pa man ang eleksyon, nagkasundo na raw si Faeldon at iba pang miyembro ng Magdalo. 

Pero, bigla na lang daw bumaliktad ang sundalo at dumepensa kay Pres. Rodrigo Duterte. 

Sinabi rin ni Alejano na kinausap siya ni Faeldon para humingi ng suporta matapos siyang italaga bilang Customs Commissioner.
Pero, tumanggi raw siya dahil sa kanyang prinsipyo.

Bukod kay Faeldon, naging miyembro rin ng Magdalo sina Customs officials Import Assessment Division Director Milo Maestrecampo at Deputy Commissioner for Management Information System and Technology Group Gerardo Gambala. Parehong nasasangkot sina Faeldon, Gambala at Maestrecampo sa isyu ng nakalusot na shabu mula sa China.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento