Duterte sa kawani ng Gobyerno: ”Wag kayong pa E-PAL gamit ang larawan ko sa opisina nyo!

Muling pinaalalahanan ni Pangulong Rodgrigo Duterte ang mga kawani ng gobyerno na tanggalin ang kaniyang mga larawan sa mga tanggapan ng pamahalaan at bagkus ay palitan ito ng larawan ng mga pambansang bayani.

Ayon sa Pangulo, hindi siya kailangan i-impress ng mga opisyal sa pamamagitan ng paglalagay ng kaniyang larawan sa kani-kanilang opisina dahil mas tinitignan niya ang performance sa trabaho ng mga ito.

Sa isang salu-salo kasama ang mga reporter, sinabi ni Pangulong Duterte: “Please remind them of that because they’re so hard headed. You do not flatter me with my picture. My hair will just stand on end with that.”


Aniya, tila mas kahina-hinala ang opisyal ng gobyerno na magpipilit na i-display ang kaniyang larawan.

 “Maybe this fool hasn’t performed well and is trying to make up for it,” ani Duterte.

You do not ingratiate yourself with flattery. If you do your job, I would be happier with you, to tell you the truth,” dagdag pa nito.

Matatandaang noong Setyembre ay una ng naglabas ang Pangulo ng memorandum circular na nag-uutos na i-display ang larawan ng mga pambansang bayani gaya nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Lapu-Lapu kaysa ang larawan ng Pangulo.

Paliwanag ni Duterte, mas makakaramdam umano ng “sense of loyalty” ang mga Pilipino kapag larawan ng mga pambansang bayani ang naka-display.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento