
Ipinunto ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat matuloy ang pagdaraos ng barangay elections ngayong taon.
Katuwiran ng Pangulo kapag itinuloy ito ay mamamayagpag lalo ang mga sangkot sa negosyo ng ilegal na droga.
“That is why I said during our caucus with the congressmen. Sabi ko, bahala kayo, mga senador.
But I’m telling you… If you call for a barangay election now, the drug people will win,” pagdidiin ni Duterte sa ika-19 anibersaryo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Malacañang kahapon.
“May pera sila, bilihin nila at ang mga municipal mayors na talagang into it will begin to produce more shabu so that they can win,” dagdag nito.
Ipinakita rin ni Duterte ang updated narco-list nito (as of August 2017) at aniya bukod sa mga municipal mayor ay may mga kasamang judge sa listahan.
“Alam mo kasi ang drugs, two months operation, bilyonaryo ka na. Ilan sila dito? Almost practically all the municipal mayors ng Pilipinas.
Dito, may judges. As you can see from a distance… judges,” sabi ni Duterte.
0 Mga Komento