Bumanat ng maaanghang na salita ni Senator Leila De Lima kay Pangulong Duterte matapos ang pahayag ng nitong ayos lang pumatay ng 32 drug suspects kada araw.
Those are clear words of a deranged man if you say if you say it is OK to kill 32 people a day. That is a deranged mind!” banat ni De Lima.
Ayon kay De Lima, labis na ang pag-abuso ng administrasyon sa batas.
Wala na daw paggalang ang gobyerno sa karapatan ng tao. “Sobra na ang pagyurak sa batas. Walang respeto sa karapatan.
Mga berdugo at demonyo!” sabi ni De Lima. Isa pa raw patunay na “deranged o baliw” ang pangulo ay ang banta nito sa mga human rights advocates na papatayin.
Karapatan aniya ng mga human rights advocates na magsalita kapag may paglabag sa karapatang pantao.
“Another proof that we are talking about a deranged mind. Why would you threaten human rights advocates? Karapatan din nila na magsalita,” giit ni De Lima.
source
0 Mga Komento