Coco Martin tumangging tikman si Mariel de Leon?

Walang kissing scene sina Coco Martin at ang leading lady niyang si beauty Queen Mariel de Leon, kahit magdyowa sila sa movie.

Ayon kay Coco, ‘nahiya’ raw siya kay Mariel kaya hindi na niya nilag­yan ng kissing scene ang movie.

Pero, may silhouette kissing scene naman daw sina Coco at Kylie Verzosa na pagdududahan mo pa kung totoo ngang nangyari ang halikan dahil malayo ang shot.


Nang tinanong si Coco kung dahil ba sa ama ni Mariel na si Christopher de Leon, kung bakit hindi niya pinalagyan ng kissing scene ang sweet moments nila ni Mariel?

“Isa rin ‘yon,” pag-amin ng Ang Probinsyano lead star.

“Siyempre nahiya ako, ‘yung mga ganu’n. Siyempre, pinagkatiwala nina Tito Boyet at Sandy (Andolong) si Mariel kumbaga gusto ko ‘pag napanood nila mapa-proud sila sa anak nila.dagdag pa nito

“Kaya ang sabi ko ‘yung eksena namin binusisi kong mabuti. Sabi ko nga, ‘pag napanood nila ito mapa-proud sila kay Mariel kasi ang galing umarte e,” giit pa ni Coco.

source:abante-tonite


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento