Bata, kinain ng escalator sa isang mall sa Davao!

Nag viral ngayon sa social ang isang batang babae matapos na maipit sa escalator ang buhok nito sa isang mall sa J.P. Laurel Ave­nue, Davao City,Miyerkules ng hapon.

Sa report ni Susan Eriquez sa GMA News­TV na ‘Balita Pilipinas’, sinabi na bandang alas-singko ng hapon nang sumakay ng escalator ang bata kasama ang kanyang magulang nang damputin ang nahulog niyang laruan at naipit daw diumano ang buhok nito sa escalator.

Pababa na umano ang bata nang mahulog ang dala nitong laruan. Yumuko ang bata para kunin ang laruan, nang biglang maipit ang buhok nito sa escalator na dahilan para siya ay matumba.


Walang nagawa ang paslit kundi mag-iiyak habang pilit na inaalis ang kanyang ulo sa escalator.

Maagap namang umaksyon ang staff ng mall para mailigtas ang bata. Agad na ipinatigil ang paggalaw ng escalator para mas mabilis na maalis ang buhok ng bata sa pagkakaipit at hindi na ito masaktan pa.

Sa isang video footage na nag-viral sa social media, nakita ang isang lalaki na makailang beses na tinangkang tulu­ngan ang bata.

Ilang sandali pa ay naalis na rin ang buhok ng bata.

Hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang pamunuan ng mall sa nangyari.

Video courtesy of Trixie Dauz
       


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento