VM Paolo Duterte at Atty Manases Carpio pupunta sa pagdinig sa Senado kung iimbitahan

Nakahanda umanong dumalo sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio kung iimbitahan sa Senate Blue Ribbon Committee Investigation. Ito ang pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa isinagawang misa para sa isang taong pag-alala sa Roxas Night Market Bombing. 

Ayon kay Mayor Sara, naghihintay lamang ngayon ng imbitasyon sina Pulong at Carpio para sa Senate investigation matapos na isinangkot sa isyu sa kinakaharap ngayon ng Bureau of Customs (BoC). 

Dagdag pa ng alkalde, nagka-usap na sila ng Bise Mayor at kanyang asawa ngunit hindi na nagbigay pa ng dagdag na detalye ang opisyal. 

Kung maalala inakusahan nina Sen. Antonio Trillanes IV at Mark Taguba sina Vice Mayor Paolo Duterte, Atty. Manases Carpio at Davao City Councilor Nilo Abellera Jr. na tumatanggap umano ng milyong halaga para mapalabas ang mga kontrabando na pagmamay-ari ng broker.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento