“Selective justice” ni Duterte kay ni Morales,Itinanggi!


Dumipensa si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na may umiiral na “selective justice” sa kaniyang opisina. 

Paliwanag ni Morales, mandato ng Office of the Ombudsman na unahin ang mga high profile cases na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal. 

Naka-base aniya ito sa taas ng posisyon na hawak ng opisyal na inaakusahan, at ang laki ng halaga o ari-arian na nasasangkot sa kaso. 

Ani Morales, hindi naman selective justice ang nangyayari dahil nang ihain ang karamihan sa mga reklamo noon, ang mga dating nasa oposisyon ang naluklok sa mayorya.
 READ:Duterte to Morales: “master of selective justice” Marahas sa kalaban,malambot naman sa kakampi o kaibigan!.
Ganoon din naman aniya ang nangyari ngayon dahil ang mga nasa oposisyon sa nagdaang administrasyon ay nasa mayorya na ngayon. 

Una nang inakusahan ni Pangulong Duterte ang Office of the Ombudsman ng pagiging makupad sa pag-aksyon sa mga reklamo laban sa mga “friendly” pero mabilis pagdating sa mga “hostiles.” 

Iginiit pa ng pangulo na hindi kayang magtrabaho ng Ombudsman nang may “cold neutrality and impartiality.”

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento