Ang estudyante ng Grade 11 na si Kian Loyd delos Santos na napatay sa isang drug raid sa Caloocan City ay nalaman kamakailan na ito ay talagang isang drug courier ng kanyang ama at mg tiyuhin, ito ay ayon sa report ng pulisya.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa “Si Kian ay ginagamit ng kanyang ama. Ang ama niya mismo ang user, mga uncle ang mga pusher diyan at ginagamit si Kian na courier.
Kaya nag-surface ang pangalan niya sa area mismo,” Sinabi ni Dela Rosa na ang impormasyon mula sa intelligence community at ang pulisya ng Caloocan City ay napag-alaman na ang isang Saldy delos Santos, ang ama ni Kian, ay kilalang-kilala bilang siga at takot ang mga kapitbhay magsalita laban sa kanila.
“Pati ang intelligence community natin na nagko-conduct ng operation plan sa Caloocan mismo, ang mga kapitbahay doon takot mismo na magsalita ng against sa kanila dahil kilalang siga ang ama pati mga uncle niyan, siga sa lugar. Yan ang nasasagap ng ating mga intel operatives diyan sa area,” ani dela Rosa.
“Biktima lang ang bata at ginagamit ng ama. Bigyan siya ng pagkakataon na magbagong-buhay at matuto na mali ang ginagawa niya.
Sumusunod siya sa utos ng kanyang pusher na ama. Bata pa, magbago pa yan,” dagdag pa ni Dela Rosa.
Samantala lumutang ang isang drug suspect na magpapatunay daw na sangkot sa droga si Kian Delos Santos at ginagamit ito bilang isang drug runner o courier.
Panoorin ang video courtesy of News 5
0 Mga Komento