Pangulong Duterte inihiwalay ang sarili sa mga mahihirap -Kabataan party-list Rep. Sarah Elago

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naghihiwalay na sa kanyang sarili sa mga Filipino kasama ang mga bumoto sa kanya noong nakaraang eleksyon dahil sa kanyang giyera kontra ilegal na droga kung saan ang mga mahihirap lamang umano ang kanyang tina-target. 

Ito ang pahayag ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago dahil imbes na magdahan-dahan na si Duterte sa kanyang giyera kontra sa mga mahihirap matapos umani ng matinding batikos dahil sa pagpatay ng mga pulis-Caloocan sa 17-anyos na estudyanteng si Kian Loyd delos Santos ay lalo pa umanong paiigtingin ang giyerang ito. 

“These wars are going nowhere. By insisting on these wars, Duterte is fast isolating himself from the people,” ani Elago sa Black Friday protest na inilunsad at magtatagal hanggang sa Setyembre 21, 2017. 

Bukod sa giyera kontra droga na pawang mga mahihirap aniya ang biktima ay nagpapatuloy din aniya ang kampanya ng gobyerno laban sa mga Lumad habang nasa ilalim ng Martial Law ang Mindanao. 

Tulad ni Delos Santos, pawang mga mahihirap aniya ang nasasagasaan ni Duterte sa kanyang kampanya laban sa mga Lumad kaya siya na mismo umano ang nagdidistansya sa kanyang sarili sa mga mamamayan. 

“Whoever the target, it is the Filipino people that are bound to lose these wars,” ayon pa sa mambabatas.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento