Nasa 14 miyembro ng Senate majority bloc ang pumirma sa resolusyon na nagkokondena sa sunud-sunod na patayan sa mga anti-drug operation ng PNP.
Naniniwala sila na dapat imbestigahan ang pagkamatay ng grade 11 student na si Kian Delos Santos.
Kabilang sa mga pumirma sa resolusyon sina Senate President Aquilino Pimentel III, Sonny Angara, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Greogio Honasan II, Panfilo Lacson, Loren Legarda, Grace Poe, Ralph Recto, Vicente Sotto III, Joel Villanueva, Cynthia Villar at Juan Miguel Zubiri.
Handa rin daw pumirma sa dokumento sina Sen. Chiz Escudero at Nancy Binay. Bago nito, sinabi ni Sen. Grace Poe na nakakabahala ang sunud-sunod na patayan dahil sa drug operations ng PNP.
Dapat daw malaman kung sino ang nang-aabuso sa programa ng gobyerno kontra droga.
Si Sen. Risa Hontiveros naman, nanawagan na tigilan na ang patayan na iniuugnay sa “war on drugs” Nauna nang nangako si Sen. Hontiveros na proprotektahan ang mga testigo sa pagpatay kay Kian.
source
0 Mga Komento