‘Movement Against Tyranny’ o MAT Bagong kilusan sa tigil patayan!


Bumuo ng isang kilusan o organisasyon ang multi-sectoral group para ipanawagan na itigil na ang walang saysay na pagpatay sa mga indibidwal sa isinasagawang madugong operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga sa ilalim ng administrasyong Duterte. 

Kahapon ng pormal na inilunsad ang ‘Movement Against Tyranny’ o MAT, na binubuo ng iba’t ibang samahan kabilang ang makakaliwang organisasyon, mga itinuturing na aktibistang pari at madre, ilang mamamahayag at maging ng ilang personalidad na mula pa sa iba’t ibang unibersidad. 

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) chairman Chito Gascon, isa sa mga co-founder ng grupo, karamihan umano sa mga napapatay ay pawang mga mahihirap lamang, mga small time drug pushers at users.

Tinawag din ng MAT na isang ‘tyranny at fascism’ ang istilo ng pamumuno ni Duterte. 

Binatikos din ng grupo ang pangulo dahil sa pagbabalewala nito sa karapatang pangtao, pagmamaliit sa demokratikong institusyon at maging ang kalupitan nito sa mga mamamahayag sa tuwing may mga ulat na kritikal sa mga polisiya at deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento