Handang humarap sa Senate investigation bukas ang mga witness sa pagpatay sa Grade 11 student na si Kian Loyd delos Santos.
Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, ilalahad lahat ng mga testigo ang kanilang nalalaman sa pagpatay sa binatilyo.
Matatandaan na nasa protective custody ni Hontiveros ang mga nasabing witness.
Sa ngayon, hindi pa sinasabi ni Hontiveros kung ilang testigo ang kanyang hawak.
”From the very start they were saying that Kian is executed.This is not the alternative version that is being floated that he engaged in the police shootout.They want to help the family of Kian to get Justice.ani Hontiveros.
Kasabay nito, nanawagan si Albay Rep. Edcel Lagman kay Pres. Rodrigo Duterte na gumawa ng independent commission para imbestigahan ang mga kaso ng extrajudicial killing, kabilang na ang pagpatay kay Kian.
Ito rin daw kasi ang ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kasunod ng pagpatay kay Sen. Ninoy Aquino. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa umano’y EJK sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Bukas, magsisimula ang hearing kaugnay sa pagpatay kay Kian ng alas dos ng hapon.
source
0 Mga Komento