Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations (UN) special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa pakikisawsaw sa insidente ng pagkamatay ng 17-anyos na si Kian delos Santos.
Hirit ni Callamard sa pagkamatay ni Kian, ‘make his death the last.’
Paulit-ulit na pinupuna ni Callamard ang giyera kontra droga ng Dutere administration na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong mga nagkasala sa hinihinalaang iligal na droga mula noong ang Pangulo ay naupo nitong Hunyo 2016.
Nitong huli sinabi ni Callamard sa kanyang Tweet na ang pagmatay ni Kian Delos Santos sana ang “huling” biktima sa”malupit” na anti-narcotics war.
Pero giit ng pangulo, daldal ng daldal si Callamard gayung hindi naman nito batid ang tunay na mga kaganapan.
“T*** i** niya, sabihin mo. Huwag niya akong takutin. P***** i** niya. G*** pala siya eh.
Taga-saan ba ‘yang buang na ‘yan? What is his nationality? French? T*** i**, umuwi siya doon.
Panghuli na… Who is he to… Mangyayari nang mangyayari ‘yan. Eh sa lugar niya nangyayari, g*** ka pala.
Kaya nga pinagpuputok-putok doon araw-araw,” gigil na pahayag ni Duterte sa panayam ng media sa Pampanga kahapon.
Hinamon din ng pangulo si Callamard na pumuntang muli sa Pilipinas para personal na malaman ang sitwasyon.
0 Mga Komento