Comelec Chair Bautista mas mainam kung mag-leave o mag-resign nalang! – Rep. Alfred Vargas

Mas nakakabuti kay Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista na maghain muna ng leave of absence upang maharap nito nang buong-buo ang kanyang personal na problema. 

Ito ang unsolicited advice ni Quezon City Rep. Alfred Vargas kay Bautista matapos na ring maglabas ng opisyal na posisyon ang anim na commissioners ng Comelec na mag-leave muna o kaya mag-resign na si Bautista dahil hindi na nito epektibong magagampanan ang kanyang tungkulin dahil sa kinakaharap na usapin. 

“I think it would better for Chairman Bautista to file a leave of absence now to distance the Comelec as an institution from his personal controversies,” ani Vargas. 

“This will also allow himself to focus on this present personal issues,” dagdag pa ng mambabatas. 

Si Bautista ay pormal nang kinasuhan ng impeachment case sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras. 

Agad inendorso nina Cebu Rep. Gwen Garcia, Batangas Rep. Abraham Tolentino at Kabayan party-list Rep. Harry Roque ang impeachment complaint laban kay Bautista.

Ayon kay Vargas, hindi biro ang pagsubok na pagdadaanan ni Bautista kaya para maharap nito ang kanyang problema nang buong-buo ay dapat na itong magbakasyon sa Comelec. 

“Masakit ‘yun, parang sampal ‘yun sa kanya (Bautista)”.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento