PNOY posibleng magpiyansa kaagad para makaiwas sa kulungan!

Kung kamakalawa ay si dating Senador Jinggoy Estrada ang nagpiyansa para makalaya, ngayong araw na ito ay posible umanong si dating Pangulong Benigno Aquino III naman ang magpiyansa para makaiwas sa kulungan. 

Posibleng ihain ngayong Lunes ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso laban kay Aquino kaugnay ng Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) noong Enero 25, 2015. 

Oras na maisampa ang kaso, malamang na isilbi agad ang warrant of arrest sa tahanan ni Aquino sa Times St., sa Quezon City kung saan ito naninirahan matapos ang kanyang termino noong Hunyo 2016. 

Nakaabang na rin ang kampo ng dating pangulo para magbayad ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.


Kapag natuloy ito, si Aquino ang ikatlong dating pangulo ng bansa na kukunan ng mugshot. Ito rin ang naranasan ni dating Pangulong Joseph Estrada nang kasuhan ito ng plunder matapos masipa sa puwesto noong 2001 at naranasan din ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kinasuhan din ng plunder noong Hulyo 2012 dahil sa ginawang pagkalikot umano sa P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). 

Noong Huwebes lamang, kinumpirma ng Ombudsman na may probable cause para isampa ang kasong katiwalian at usurpation of official function laban sa dating pangulo dahil sa Mamasapano incident. 

Sabit ang dating pangulo sa tig-isang count ng paglabag sa Section 3(a) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o Republic Act No. 3019 at usurpation of official functions sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code. Sa consolidated order na inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong Setyembre 11 subalit noong Huwebes lamang inilabas, ibinasura ang motion for reconsideration (MR) na inihain ni Aquino sa unang resolusyon noong Hunyo 2017. 

Ang kaso na iniutos ni Carpio-Morales na isampa laban kay Aquino ay kaugnay ng paggamit umano kay dating Philippine National Police (PNP) director general Alan Purisima sa pagpaplano sa Oplan Exodus para hulihin ang teroristang si Zulkifli bin-Hir alyas ‘Marwan’ sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 kahit suspendido ito noong panahong iyon. 

“President Aquino’s act of utilizing the services of the preventively suspended [Alan] Purisima for Oplan Exodus prior to and during its implementation, despite an OIC PNP Chief having been already designated, caused Purisima to perform under pretense of official position, the acts pertaining to the PNP Chief without being lawfully entitled to do so, in violation of Article 177 of the RPC on usurpation of official functions,” ayon sa resolusyon ng Office of the Ombudsman.

source
image credit to the owner


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento