North Korea nagpalipad uli ng missile,Debris bumagsak sa Pacific Ocean!

Muling nagpalipad ng umano’y ballistic missile ang North Korea nitong umaga. 
Ito ang kinumpirma ng South Korea military kung saan nagmula ang missile launch sa bahagi ng Sunan district sa Pyongyang.

Agad na ring nagpulong ang South Korean at U.S. militaries para pag-aralan ang nasabing pinakahuling missile launch ng Pyongyang. 

Nagsagawa na rin ng National Security Council meeting ang presidential Blue House ng South Korea matapos na malaman ang impormasyon. 

Inalerto naman kaagad ng gobyerno ng Japan ang kanilang mga kababayan matapos na dumaan daw ang missile sa bahagi ng northern Japan. 


Ayon sa abiso ng Japanese government sa kanilang mamamayan, dapat na lumayo raw sa anumang debris ng missile. 

Sinasabing bumagsak sa Pacific Ocean ang bahagi ng missile dakong alas-6:16 nitong umaga o sa layong 2,000 kilometers off the cape ng Erimo sa Hokkaido . 

Ang missile launch ay isinagawa ng North Korea kasunod na rin nang pag-apruba ng United Nations Security Council resolution ng panibagong mabigat na sanctions sa kanila dahil sa nuclear test.

Kahapon ay nagbanta pa ang Kumunistang bansa laban sa Amerika kasabay nang pagsasabing “palulubugin” daw ang mga isla ng Japan. 

Matindi naman ang pagtuligsa ng Chief Cabinet Secretary ng Japan na si Yoshihide Suga sa NoKor. Aniya, hindi dapat palampasin ng kanilang bansa ang patuloy na ginagawang probokasyon ng North Korea.

source


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento