Duterte sa 1k Budget ng CHR:“Ito si Gascon, palibhasa pro-dilaw talaga, he opens his mouth in a most inappropriate way.

He had it coming.’ Ito ang naging tugon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng Kamara ng isanlibong pisong budget sa Commission on Human Rights (CHR) para sa susunod na taon.

Paliwanag ng Pangulo, galit ang mga congressman sa CHR at kay CHR Chiarman Chito Gascon dahil sa maling paraan umano ng pagsasagawa nito ng imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyon. 

Dagdag pa ng pangulo, naging mabilis sa paghuhusga ang CHR sa mga kaso ng mga napapatay sa giyera kontra droga sa bansa. 

“Ito si Gascon, palibhasa pro-dilaw talaga, he opens his mouth in a most inappropriate way. 
And he conducts the business of being CHR, walang alam. 
Yan galit ang mga congressman.” Dagdag ni Duterte. “Ang ibig sabihin, tonto. Palibhasa nga e, hindi abogado.
And if you are not sure of yourself or where you stand, you might as well shut up.” Pasaring pa ni Pangulong Duterte kay Gascon. 

Itinanggi naman ng pangulo na may kinalaman siya sa pagbibigay ng isanlibong pisong budget sa CHR.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento