Trillanes to Duterte ”Sign or resign”

“It’s sign or resign,” saad ni Trillanes bilang muling hamon kay Duterte na lumagda sa waiver para sa bank secrecy law o kung hindi na magbitiw na ito sa pwesto.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng Ombudsman na magkapareho ang laman ng dokumentong isinumite sa kanila ng Anti-Money Laundering Council at ang mga naunang inilabas ni Trillanes hinggil sa bank accounts ni Duterte noong panahon ng kampanya. 

“Ito ay nagpapatunay na ang mga paratang ko tungkol sa kanyang billion-peso bank accounts ay totoo. Ibig sabihin rin nito ay pinagloloko rin ni Duterte ang mga tao dahil pinapaniwala na ­siya ay mahirap at hindi kurakot,” pahayag ni Trillanes. 

Aminado naman ang senador na hanggang imbestigasyon lamang ang kayang gawin ngayon ng Ombudsman at hindi maihahain sa Sandiganbayan ang kaso laban sa Pangulo. 

Samantala tungkol sa umano’y Singapore bank accounts niya, “bagong imbento” lang iyon,ani Trillanes 

Ayon pa kay Trillanes, handa siyang muling lumagda ng waivers para sa mga sinasabi ng pangulo na bagong accounts niya. 

Halata naman aniya na ito’y isang diversion lamang ng pangulo mula sa bilyong pisong halaga ng mga bank accounts ni Duterte na nadiskubre ng Office of the Ombudsman. 

Ani Trillanes, sa Lunes pa lang ay pipirma na siya ng waivers upang agad na masiyasat ito ng Anti-Money Laundering Council. 

Hamon ni Trillanes sa pangulo, magpakalalaki ito at pumirma na rin ng waivers.


Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento